Libertad

Gusto kitang mahalin ng malaya-
malayang bumuo
ng tahanang
walang pangamba at sumbat
sa bawat palitan ng araw at buwan.

Gusto kitang mahalin ng malaya-
malayang sumayaw
sa tunog ng pag-ibig at kamalayan sa buhay
hanggang sa limot na
ang baybay ng ating mga ngalan.

Gusto kitang mahalin-
kahit hindi malaya,
kahit walang pangako ng isang simula,
kahit walang katiyakan ang pagtatagpo ng ating pagsinta.

At sa kabila ng lahat ng kahit,
nandoon ako-
malaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *